What's Hot

Mga programa at personalidad ng GMA News and Public Affairs, wagi sa Batarisan Awards

By Jansen Ramos
Published March 12, 2018 6:59 PM PHT
Updated March 12, 2018 7:11 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PUVs to benefit from Maharlika Highway repairs – LTFRB
Tagbilaran and Toledo are big winners in #Sinulog2026 Grand Parade
Farm to Table: (January 18, 2026) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News



Congratulations, Kapuso!

Ginawaran ang ilang programa at personalidad ng GMA News and Public Affairs ng parangal sa ginanap na Batarisan Awards noong Marso 11, 2018 sa Valencia Hall, Bulacan State University Malolos, Bulacan.

Ang Batarisan Awards ay isang university-based award-giving body ng Bulacan State University na itinatag ng mga mag-aaral mula sa Kolehiyo ng Arte at Literatura kasama ang iba’t-ibang mga organisasyon at propesor mula sa unibersidad. Ang misyon ng Batarisan ay magbigay ng karangalan sa mga personalidad at programa na may natatanging kontribusyon sa kultura ng Pilipinas sa pamamagitan ng iba’t ibang larangan ng brodkasting.

Nakamit ng GMA News Pillar na si Jessica Soho ang tatlong Batarisan awards. Kabilang dito ang "Batarisan ng Katapatan" at Best TV News Personality, "Batarisan ni Maria Rodrigo" at Best Female News Anchor, at "Batarisan ni Balagtas" at Best Magazine Show Host.

Iginawad naman sa veteran journalist na si Arnold Clavio ang "Batarisan ni Blas Ople" at Best Male News Anchor. Nakamtan ng news anchor na si Kara David ang "Batarisan ng Dalit ni Dolores Manapat" at Best Documentaray Show Host. Samantalang, nakamit ng senior reporter na si Jun Veneracion ang "Batarisan ni Plaridel" at Best Field Reporter.

Pinarangalan din ng Batarisan award ang ilang programa ng GMA Public Affairs tulad ng Biyahe ni Drew, I Juander, at 24 Oras. 

Iginawad sa Biyahe ni Drew ang "Batarisang Panturismo," "Batarisang Pangkultura" naman ang nakuha ng I Juander, at "Batarisan ni Tandang Celo" naman ang para sa flagship news program ng GMA, ang 24 Oras.

Ang iba pang mga parangal na nakamit ng mga Kapuso ay ang mga sumusunod:

Best Morning Program – Unang Hirit

Best Magazine Program – Kapuso mo, Jessica Soho

Best Documentary Program – I-Witness

Best Public Affairs Program – Imbestigador

Best Educational Program – I Juander

Best AM Radio Personality – Arnold Clavio

Ang pagpili sa mga nagwagi ay ang pinagsama-samang boto na nagmula sa 30,000 na mga mag-aaral katuwang ang mga organisasyon at propesor ng Bulacan State University. Layunin ng Batarisan Awards ang magbigay ng karangalan at hamon upang mas mapanitili pa ang makabuluhang kultura ng mga Pilipino.