What's on TV

Mga sirena at isang iconic spot sa Negros, tampok sa 'Amazing Earth'

By Maine Aquino
Published September 19, 2025 12:21 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PH companies lost P4 trillion to fraud in 2025, TransUnion says
Group condemns alleged poisoning of dogs in Samal
These are the biggest food stories of the year

Article Inside Page


Showbiz News

Amazing Earth Sept 19 episode


Matuto at matuwa sa mga bagong kuwento ng 'Amazing Earth' ngayong September 19.

Exciting at puno ng aral ang hatid ng Amazing Earth ngayong September 19.

Sa pagpapatuloy ng “Matuto. Matuwa. Be Juan Tama” campaign ng Amazing Earth, ibabahagi ngayong Biyernes ang mga kuwento at adventure na puno ng aral.

Isa sa mga aabangan sa Amazing Earth ay ang kuwento ng "mermaid's lair" sa Masbate at ang iconic mermaid statue sa Atimonan, Quezon na mayroong tragic romantic tale. Mapapanood din sa episode na ito ang natural phenomenon mula sa Valencia, Negros Island. Abangan ang Mag-aso Volcanic Steam Spring na isang natural gem at iconic spot para sa mga biyaherong motovloggers.

Hindi rin dapat palampasin ang mga bagong kuwento tungkol sa hidden wonders at unique creatures ng Australia. Abangan ang mga "Kuwentong Amazing" ni Dingdong Dantes mula sa wildlife series na “Deadly Australians.”

Abangan ito at marami pang iba sa Amazing Earth ngayong Biyernes, September 19, 9:35 p.m. sa GMA.

Mapapanood din ang Amazing Earth via livestream sa Kapuso Stream at sa Facebook page at YouTube channel ng GMA Network at Amazing Earth PH.

SAMANTALA, BALIKAN ANG MGA AMAZING PHOTOS NI DINGDONG DANTES SA AMAZING EARTH: