
Puno ng kilig ang sumalubong sa madlang people at Kapuso viewers sa isang munting harana na ginanap sa It's Showtime noong Lunes (June 2)!
Sinimulan ang FUNanghalian sa isang special performance mula sa “Tawag ng Tanghalan: All-Star Grand Resbak 2025” contenders na sina Jeremiah Tiangco, Ian Manibale, Eich Abando, at Mark Justo, na ngayo'y bumubuo sa bagong harmony group na 4Play.
Kilala ang grupo sa kanilang suwabe, malamig, at punong-puno ng emosyon na mga boses--at agad silang nagpatunay nito sa kanilang smooth rendition ng mga kanta ng Boyz II Men tulad ng “I'll Make Love To You” at “End of the Road.”
Hindi mapigilan ng madlang audience ang tumili at mapangiti sa harana ng apat, habang aliw na aliw din ang mga It's Showtime hosts sa reunion ng mga TNT alumni.
"Happy ako kasi ito mga kasama ko kasi mga brother ko talaga ito bago 'yung competition," ani Jeremiah.
"Napakasaya kasi dati nagbibidyo-bidyo lang kami....Ngayon nandito na kami sa stage. Grabe, maraming, maraming salamat It's Showtime," dagdag ni Mark.
Mas mapapanood pa ang kanilang nakakakilig na performance sa nalalapit na TNT All-Star Grand Resbak Concert, kung saan makakasama nila ang iba pang fan-favorite contenders mula sa nakaraang edisyon ng kumpetisyon.
RELATED CONTENT: Balikan ang highlights ng 'Tawag ng Tanghalan: All-Star Grand Resbak 2025' media con:
Agad na pinag-usapan online ang performance ng 4Play! Sa live comments, reactions, at maging sa trending posts sa X (dating Twitter), umani ng papuri at heart emojis ang kanilang effortless vocal chemistry at charming presence.
Marami rin ang looking forward na mapakinggan ang grupo sa mga susunod na events o performances ng ilang shows.
Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.
Samantala, panoorin muli ang pagbabalik ni Anne Curtis sa It's Showtime, dito: