Ito ang mariing pahiwatig ni Maricar Sebastian, ina ng YouTube star na si Jam Sebastian. Ayon sa kanyang Facebook status ay hindi maaaring dumalo si Mich Liggayu at mga supporters nito sa ika-40 araw ng kamatayan ng kanyang anak.
Mababasa rin sa komento ni Mrs. Sebastian sa kanyang post na “bawal gate crasher.”
Ginanap ang paggunita sa 40th day ng yumaong binata sa Manila Memorial kahapon, April 12. Pumanaw si Jam noong March 4 matapos ang kanyang mahabang pakikipaglaban sa cancer.