What's Hot

Mich Liggayu, may sorpresang flash mob kay Jam Sebastian for Valentine’s day

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated October 28, 2020 2:32 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Iñigo Jose names Kapuso actresses he wants to work with
Ogie Alcasid gives seven relationship tips for daughter Leila Alcasid
4th leg ng Noel Bazaar nasa Filinvest Tent sa Alabang, mula Dec.19-21, 2025 | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News



Ang flash mob napanood daw ni Jam sa pamamagitan ng isang video call.
By CHERRY SUN
 
Isang flash mob ang regalo ni Mich Liggayu para kay Jam Sebastian for Valentine’s day. Ang kanilang sorpresa, napanood daw ng kanyang may sakit na fiancé sa pamamagitan ng isang video call.
 
 

A video posted by Jamich ? (@jamich) on

 
“Sana po na-surprise. Mukha naman pong na-surprise namin siya. Nakita ko ‘yung pag-smile niya,” masayang pahayag ni Jam sa Balitanghali pagkatapos niyang sumayaw.
 
READ: Mich Liggayu of JaMich, not giving up on fianced Jam Sebastian
 
Isang buwan na sa hospital si Jam dahil sa lung cancer. Nasa stage four na ang kanyang sakit at kumalat na sa kanyang buto na lalong nagpapahirap sa kanya.
 
Ayon sa kanyang ina, tumatanggi raw si Jam na tumanggap ng kahit anong treatment. Hindi rin natuloy ang pagpapa-chemotherapy ng binata noong nakaraang buwan dahil nais daw niya munang magpalakas ng katawan. Hiniling na rin noon ni Jam na isailalim na siya sa mercy killing.
 
Pahayag ni Mrs. Maricar Sebastian, “Minsan hindi ko na alam kung saan ako huhugot ng lakas. Talagang humuhugot na lang ako sa anak ko. Sila talaga ‘yung buhay ko, sila ‘yung inspirasyon ko. Pero minsan talaga napanghihinaan na ako, so ang ginagawa ko na lang nagdadasal na lang ako.”
 
“Hindi po nag-sink in sa akin nung unang basa ko [sa text]. So ang daming beses ko pa siya binasa kasi parang in shock po ako eh. Tapos nung medyo na-absorb ko na kung ano message niya, doon po naiyak ako ng sobra. Tinext ko siya agad, sabi ko, ‘mag-pray lang tayo’,” wika naman ni Mich.
 
Sa dasal kumakapit ang dalaga para sa kanyang fiancé.
 
Batid niya, “Wala po tayong karapatan itigil ‘yung buhay natin kundi si Lord lang po. So sabi namin, lumaban siya, kumain ng marami kasi ang dami naman po nagmamahal sa kanya, nagdadasal para sa kanya.”

Video courtesy of GMA News