Ayon sa naulilang fiancé ni Jam Sebastian ay nakararanas siya ng depression dahil sa mga pinagdadaanan niya ngayon. By CHERRY SUN
“Weak. Nothing. Helpless.”
Ganito ilinarawan ni Mich Liggayu ang kanyang sarili sa kanyang Facebook status.
Ayon sa naulilang fiancé ni Jam Sebastian ay nakararanas siya ng depression dahil sa mga pinagdadaanan niya ngayon.
Aniya, “Madalas sinusubukan ko tatagan sarili ko sa lahat ng nangyayari. Oo pwedeng makita mo kong naka smile, pero behind that smile... Sobrang laki ng pain.”
Isinasa-Diyos na rin daw ng dalaga ang mga bagay upang maintindihan ang mga bumabagabag sa kaniya.
“Thank you sa mga natira sakin. Kung may pinagdadaanan ka rin ngayon, di ka nag iisa. Hug... We can do this. Just pray. Pray harder,” patuloy niya.
Inalis sakin lahat ni God ngayon. Gusto ko ishare sa inyo yung isang side ng Paolinne Michelle Liggayu...