GMA Logo Michael Flores Bryce Eusebio Patricia Coma
Courtesy: michaeljohnflores (IG)
What's on TV

Michael Flores, nakisayaw sa 'The Missing Husband' co-stars

By EJ Chua
Published September 18, 2023 2:47 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PNP to deploy over 70,000 cops for Simbang Gabi 2025
Kim Won-shik brings star power to Jolly Clean Holiday Pop-Up
Duterte calls plunder, graft raps a 'fishing expedition'

Article Inside Page


Showbiz News

Michael Flores Bryce Eusebio Patricia Coma


Nagmala-choreographer si Michael Flores sa kanyang #TheMissingHusband co-actors na sina Bryce Eusebio at Patricia Coma.

Bukod sa pagiging isang aktor, kilala si Michael Flores bilang member ng sikat na dance group noong '90s na Manoeuvres.

Ngayong 2023, napapanood si Michael sa GMA action suspense drama series na The Missing Husband.

Habang nasa taping ng serye, tila namiss ni Michael ang pagsasayaw kaya naman habang break time sa pagte-taping, tinuruan niya ang ilan sa kanyang co-actors ng ilan sa mga paborito niyang sayawin noon.

Sa Instagram, isang video ang in-upload niya habang kasama niyang sumasayaw ang Sparkle stars na sina Bryce Eusebio at Patricia Coma.

Ayon sa caption ni Michael, Showing the bagets, @bryce_eusebio and @patriciacoma_ how we do it back in the 80's #manoeuvres #dancer #batang90s #themissinghusband

A post shared by Michael John Flores (@michaeljohnflores)

Matatandaang si Michael ay naging miyembro muna ng grupong Manoeuvres bago it sumabak sa pag-arte.

Samantala, si Michael ay napapanood ngayon sa The Missing Husband bilang si Banong, ang asawa ni Leila (Max Eigenmann) na chill at may pagkabatugan.

Silipin ang ilang eksenang mapapanood sa The Missing Husband ngayong Lunes, September 18, sa video na ito:

Huwag palampasin ang susunod na mga tagpo sa serye.

Patuloy na subaybayan ang kwento ng The Missing Husband, mapapanood tuwing Lunes hanggang Biyernes, 4:05 p.m. sa GMA Afternoon Prime.