What's Hot

Michael is my soulmate – Mommy D

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 23, 2020 10:09 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Trump asks Congress for more funds to fight Iran, defying rebuke on war powers
Tagbilaran City Police, Gimanduan sa Pag-imbentaryo sa Tanang Service Firearms | Balitang Bisdak
Local fast food giant scores double victory at PR Awards Asia-Pacific for Gaming and Literacy Campaigns

Article Inside Page


Showbiz News



Walang pinipiling edad ang pag-ibig. At the age of 65, tila natagpuan ni Mommy Dionisia Pacquiao ang kanyang ''soulmate'' sa boyfriend niyang si Michael.  
By CHERRY SUN

 
“Di ko akalain, parang soulmate ba.”
 
Ito ang naging short but sweet description ni Mommy Dionisia Pacquiao sa pagpasok sa kanyang buhay ni Michael, ang kanyang 40-year-old boyfriend.
 
Una silang nagkakilala nang mag-duet sila sa isang videoke party. Mula noon ay naging textmates sila hanggang sa ligawan na ni Michael si Mommy D. 
 
“Mabait, respetado, wala na ako masabi sa kanya. Andyan na lahat,” patuloy na paglarawan ng Pacmom.
 
Muli niyang lininaw na malinis ang hangarin ni Michael sa kanya. Sa katunayan, nagpaalam na raw si Michael sa ina ni Mommy D.
 
Kuwento ni Mommy D sa Unang Hirit, “Bago ko ito pasukin, alam ko na. 'Wala akong hinahangad sa kapatid niyo kuya, ang puso lang niya’. Na-bilib ako sa kanya.”
 
Aminado man si Mommy D na kinikilig at “hindi ko mapigilan ang utos ng puso”, wala pa raw sa kanilang usapan ang pagpapakasal.
 
Gayunpaman, ramdam niya na seryoso sa kanya si Michael. Sabi pa raw nito, “Kahit puti na ang buhok mo eh 'di ako bibitaw sa ’yo.”
 
Kaya ang desisyon ni Mommy D, “Ayaw ko ngang ipagmaliit siya sa ibang tao. Ipaglaban ko siya talaga.”