GMA Logo sofia trazona
Source: andreitrazona_/IG
What's on TV

Michael Navarro, sa anak na si Sofia Trazona: 'Maligaya ako sa kalagayan mo ngayon'

By Kristian Eric Javier
Published February 25, 2026 12:44 PM PHT

Around GMA

Around GMA

From ₱500 to ₱1,000? TXT member Soobin’s complaint on 'overcharging' taxi sparks LTFRB probe | GMA News Feed
Healers, herbalists gather in Siquijor anew for healing festival
How the latest smartphones are embracing the beauty of the unfiltered journey

Article Inside Page


Showbiz News

sofia trazona


Labis ang suporta at pagmamahal ang natatanggap ngayon ni Sofia Trazona mula sa ama niyang si Michael Navarro.

Sa kabila ng mga kontrobersiya at pambabatikos na kinasangkutan ng drag queen na si Sofia Trazona, isang mensahe naman ng suporta at pagmamahal ang natanggap niya mula sa biological father niyang si Michael Navarro.

Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Martes, pagkatapos ng kanilang kuwentuhan, isang liham ang iniabot ni King of Talk Boy Abunda kay Sofia at pinabasa ito. Sulat ito ng ama ng drag queen na si Michael.

Bungad ng sulat ay mensaheng nagsasaad na masaya si Michael kung nasaan man ang anak nito ngayon.

“Gusto ko sanang ipaalam sa 'yo na maligaya ako sa kalagayan mo ngayon dahil alam ko na masayang-masaya ka. Gusto ko lang ipaalala sa 'yo na huwag makakalimot sa mga taong nagmamagal at nabigay importansya sa 'yo.

"Palaging isipin at gawin ang mababang kalooban sa lahat ng pagkakataon,” sulat ni Michael sa kaniyang anak.

Nilinaw din niyang wala siyang pagsisisi na naging anak niya si Sofia, at tiniyak na kung sakaling maging bakla rin ang kapatid nito, “uHwag kang mag-alala, ibibili ko rin siya ng make up with high heels.”

“Patuloy akong magiging number 1 fan mo. Hindi man ako nakakasama sa mga show mo, palagi akong pumapalakpak sa mga achievements mo,” pagpapatuloy ni Michael sa kaniyang liham.

Tiniyak din niya na kung si Andrei o si Sofia man siya mamahalin niya ito ng buong-buo.

KILALANIN ANG CELEBRITIES NA PROUD ALLIES NG LGBTQIA+ COMMUNITY SA GALLERY NA ITO:

Sa parehong panayam sa GMA Afternoon Prime talk show, sinabi ni Sofia na malakas ang support system niya, kabilang na ang kaniyang ama. At kapag nanghihina na siya, dito siya kumakapit.

“Kumakapit po ako, kasi I really have a good support system. Friends, family, kay papa, lalong-lalo na kay papa. So iiyak ko lang siya, tapos pagkatapos umiyak, laban na uli,” sabi ni Sofia.

Tiniyak din ng drag queen na sa lahat ng ito ay nasa gitna pa rin ang Diyos at ibinahaging ipinagdarasal din niyang matapos na ang mga isyu na umiikot sa kaniya at sa kanilang pamilya.

“Sana matapos na 'yung issue, sana maging okay na rin 'yung lahat para happy na ulit,” sabi ni Sofia.