GMA Logo Michael Roy Jornales, Heath Jornales love advice
source: Fast Talk with Boy Abunda
What's on TV

Michael Roy Jornales, may love advice para sa anak na si Heath Jornales

By Kristian Eric Javier
Published August 25, 2026 1:47 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Senate impeachment court spox Reginald Tongol presscon (August 25, 2026) | GMA News
Miss Universe PH Bea Millan-Windorski hikes at Masungi Georeserve
Jong Madaliday, may toyo ang Chicken Pastil?! | Farm to Table

Article Inside Page


Showbiz News

Michael Roy Jornales, Heath Jornales love advice


'Career muna, dreams muna,' 'yan ang paalala ni Michael Roy Jornales sa anak na si Heath.

Isa sa mga kinakikiligan na love teams ngayon ay ang CapHeath, o ang tambalan ng dating Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0 housemates na sina Caprice Cayetano at Heath Jornales. Kaya naman, ang ama ng aktor na si Michael Roy Jornales, may payo sa kaniyang anak tungkol sa pag-ibig.

Sa pagbisita ng mag-ama sa 'Fast Talk with Boy Abunda,' na-hot seat si Heath tungkol sa pagiging malapit nila ni Caprice kahit noong nasa loob pa lang sila ng Bahay ni Kuya.

“Well, simula PBB pa po hanggang ngayon, 'yung friendship po namin mas tumibay po and mas naging close po kami ni Caprice. Naging mas chill po 'yung mga hang outs namin. Overall, mas naging close po kami,” sabi ng young actor.

Kaya naman, tinanong na rin ng tinaguriang King of Talk na si Boy Abunda kung boto ba si Michael Roy kung sakaling tumawid ang love team ng anak kay Caprice sa totoong buhay.

Sabi ng actor-stunt director, “Yes, Tito Boy. But, kagaya ng ipapayo ng kahit sinong magulang naman po, bata pa sila and I think kailangan mag-focus muna sila i-establish 'yung career nila, 'yung path nila, 'yung mga dreams nila sa buhay.”

Pagpapatuloy pa ni Michael Roy, “And I think at the tight time and age, and then maybe, pag set na sila, they can continue kung ano'ng plan.”

BALIKAN ANG ENCHANTING MAGICAL-THEMED FAN MEET NG CAPHEATH SA GALLERY NA ITO:

Ibinahagi rin nina Heath at Michael Roy ang kanilang closeness, at kung gaano sila ka-proud sa accomplishments ng isa't isa. Ani Michael Roy, tuwing spare time nila ay madalas silang mag-train o mag-jamming sa bahay.

“Sa bahay, kapag spare time, nagja-jam kami kasi mahilig talaga kaming kumanta, siya mag gitara, ako, mag gitara din, so nagja-jam kami. Then one day, sabi niya sa 'kin, 'Dad, listen to this,' ta's sabi ko, 'Wow, that's great, that's great.' Sabi ko, 'Ano'ng song 'yan?' 'I made it.' So sabi ko, 'Sige nga, tuloy mo, tuloy mo,'” sabi ng actor-stunt director.

Panoorin ang panayam kina Heath at Michael Roy dito: