
Naging emosyonal ang ilang celebrity housemates na nanganganib na ma-evict sa loob ng Bahay ni Kuya sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.
Ilan sa kanila ay ang Sparkle artists na sina Michael Sager, Ashley Ortega, at Will Ashley.
Related Gallery: Meet the Kapuso, Kapamilya housemates of Pinoy Big Brother Celebrity
Collab Edition
Sa magkakahiwalay na pakikipag-usap nila kay Kuya sa confession room, bumuhos ang emosyon nina Ashely, Michael, at Will habang ipinaliliwag ang kanilang mga saloobin at sitwasyon.
Pahayag ni Michael, “Nag-i-initiate pa ako kasi puwede rin talagang manahimik na lang ako pero mas hindi ko po nakakayang tiisin, e.”
Lubos din daw niyang ibinibigay ang kaniyang makakaya sa bawat task sa loob ng Bahay ni Kuya, “Gusto ko lang po maging efficient kasi siguro 'yung task nakikita ko siya as trabaho, hindi naman 'to para sa akin, e.”
Sabi naman ni Ashley kay Kuya, “Sobrang dami ko pang kailangang patunayan. Ang dami ko pang kailangang kainin na bigas para lang maappreciate, ma-acknowledge lahat ng ginagawa ko.”
Paglalahad naman ni Will tungkol sa kaniyang pinagdadaanan sa pag open up sa ibang tao: “Hindi po talaga ako ma-open na tao. Kadalasan po kasi naiisip kong ayokong maging burden sa ibang tao. Parang iniisip ko po lagi na kaya ko naman mag-isa, gagawin ko po 'yun ng sarili ko,” dagdag pa niya.
Ang Kapamilya o Star Magic artists na sina Ralph De Leon, AC Bonifacio, at River Joseph ang ka-duo nina Michael, Ashley, at Will sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.
Mapapanood ang pinag-uusapang teleserye ng totoong buhay, weekdays 10:00 p.m. at weekends, 6:15 p.m., sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWanTFC, at TFC.
Maaari ring silipin ang mga kaganapan ngayon sa loob ng Big Brother house sa All-Access Livestream ng programa.
Abangan ang iba pang detalye tungkol dito sa GMANetwork.com at iba pang social media platforms ng GMA at ABS-CBN.