
Magtatambal ang gorgeous Kapuso stars na sina Michael Sager at Chanty Videla sa bagong episode ng weekend anthology series na Regal Studio Presents.
Gaganap sila bilang newly-engaged couple sa episode na pinamagatang "Sorry, Who Are You?"
Si Michael ay si Alex, habang si Chanty naman ay si Carol. Magsisimula na sana sila ng bago nilang buhay nang maaksidente si Carol.
Paggising nito, wala na ang memories niya ng buhay na sinimulan nila ni Alex.
Gagawin naman lahat ni Alex para ibalik ang mga alaala ni Carol. Maipapaalala pa kaya niya kay Carol ang pagmamahalan nila?
SILIPIN ANG MGA EKSENA SA EPISODE DITO:
Huwag palampasin ang bagong episode na "Sorry, Who Are You?" November 30, 2:00 p.m. sa Regal Studio Presents.
Maaari rin itong i-livestream sa GMANetwork.com/KapusoStream.