
Trending sa TikTok at Facebook ang latest video na inupload ng ex-housemate ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition na si Michael Sager.
Mapapanood dito ang kulitan ni Michael at ng kanyang fellow Sparkle star na si AZ Martinez na nakasama rin ng una sa loob ng Bahay Ni Kuya.
Tampok sa video ang kunwaring actingan ng dalawa habang may hawak na ice cream ang Sparkle actress.
Mababasa sa post ng aktor ang kanyang simpleng caption na, “Wag mo silang pansinin.'
Maraming netizens ang nakapansin na tila mayroon ding chemistry sina Michael at AZ at labis nila itong kinakiligan.
Sa comments section ng posts ni Michael, mababasa na pinag-usapan ito ng netizens at ang ilang shippers ay tinawag na silang MicZ.
Sa kasalukuyan, mayroon na itong 2.7 million views sa Facebook at sa TikTok naman ay humakot na ito ng mahigit 875,000 views.
@michaelsager_ wag mo silang pansinin 😆
♬ original sound - Queen Ericka Buenavista - MS.QUEENIE
Bukod kay Michael, isini-ship din si AZ sa kanyang ex-housemates na sina Ralph De Leon, Will Ashley, Vince Maristela, at ang kanyang final duo sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition na si River Joseph.
Itinanghal na Fourth Big Placer Duo sina AZ Martinez at River Joseph sa katatapos lang na season ng reality competition.
RELATED CONTENT: Bonding moments ng PBB Celebrity Collab Edition housemates sa outside world