GMA Logo Michael Sager, Emilio Daez, Vince Maristela, Josh Ford
PHOTO COURTESY: It's Showtime
What's on TV

Michael Sager, Emilio Daez, Vince Maristela, Josh Ford, mas pipiliin bang maging pogi o malakas ang dating?

Published September 4, 2025 2:16 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Moderate to heavy rain in parts of PH on non-working holiday Monday
Farm to Table: (December 7, 2025) LIVE
Car driven by cop falls into ravine in Balamban, Cebu

Article Inside Page


Showbiz News

Michael Sager, Emilio Daez, Vince Maristela, Josh Ford


Muling bumisita ang dating 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition' male housemates na sina Michael Sager, Emilio Daez, Vince Maristela, at Josh Ford sa 'It's Showtime.'

Naghatid ng saya ang former housemates ng Pinoy Brother Celebrity Collab Edition sa It's Showtime ngayong Huwebes (September 4).

Ipinakita nina Michael Sager, Emilio Daez, Vince Maristela, at Josh Ford ang kanilang dance moves sa stage nang i-perform ang “Pogi” kasama ang singer ng nasabing kanta na si Paul N Ballin.

Matapos ang opening number, tinanong ang dating PBB housemates kung ano ang kanilang pipiliin: ang maging pogi o malakas ang dating.


Ayon kay Michael, sa tingin niya ay mas importante ang malakas ang dating, habang pinili naman ni Emilio ang maging pogi.

Para naman kay Vince, "mixed of both worlds” ang kanyang sinagot. Samantala, sinagot ni Josh na mas pipiliin niya ang may dating.

Aniya, “May dating, kasi ang pogi kumukupas din 'yan pero 'yung dating, forever 'yan.”

Related gallery: Meet the Kapuso, Kapamilya housemates of 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition'


Matapos ang kanilang appearance sa noontime variety show, nakisaya sina Michael, Emilio, Vince at Josh sa Showtime Online U.

Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.