
Nagpapasalamat ang Kapuso actor na si Michael Sager sa pagkakaibigan nila ng kanyang kapwa ex-Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition housemate na si Emilio Daez.
Sa “Chika Minute” report ni Lhar Santiago para sa 24 Oras, ibinahagi ni Michael na pinapahalagahan niya ang friendship nila ni Emilio at niya'y nakahanap siya ng isang kapatid rito.
“It was unexpected that we will be compatible with one another kasi maingay din siya, energetic siya, and akala namin magca-clash. 'Yung friendship namin is something I value a lot kasi totoo siya sa akin, genuine siya. My brother ako sa kanya, may kapatid I can go to and look up to rin,” pagbabahagi niya.
Ayon pa kay Michael, excited na siya sa upcoming na GMA Gala dahil makakasama niya rito ang kanyang kapwa housemates.
“Gusto ko kasama si Emilio kasi he will be attending the GMA Gala for the second time. I think as our duo, MiLi, it will be fun to experience an event like this. So Emilio, sana sabay tayo sa Gala,” saad niya.
Samantala, matatandaan na tinanong din si Michael noon sa naganap na GMA Integrated News Interviews tungkol sa fans na nagshi-ship sa team MiLi.
"They're very happy. They would like to see us in a movie like that. And ako naman kay Emilio, I'm so proud of him and everything that he's doing. And if we're given opportunities like that.. for the both of us kasi, sure po kami gusto naming maging leading man and for now, that's the goal that we're working on. But in the future, Ms. Aubrey, baka [laughs]," ani Michael.
Panoorin ang buong “Chika Minute” report sa video na ito.
KILALANIN PA SI MICHAEL SAGER SA GALLERY NA ITO: