GMA Logo michael sager
What's on TV

Michael Sager, gumaganap na pasyente ni Doc Analyn sa 'Abot-Kamay Na Pangarap'

By EJ Chua
Published May 16, 2023 12:33 PM PHT

Around GMA

Around GMA

St. Luke's inhaler clinic opens to improve asthma, COPD patient care
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

michael sager


Ang Sparkada member na si Michael Sager ang bagong guest actor na napapanood sa 'Abot-Kamay Na Pangarap.'

Matapos mapanood si Kirsten Gonzales sa GMA's top-rating afternoon series na Abot-Kamay Na Pangarap, ang kanya namang co-Sparkada member na si Michael Sager ang napapanood ngayon sa serye.

Sa episode na ipinalabas nito lamang Lunes, May 15, natunghayan na ang ilang mga eksena ni Michael habang kasama si Jillian Ward, ang bida sa serye na gumaganap bilang si Doc Analyn.

Nakilala ang Sparkle actor sa serye bilang si Mico, ang kauna-unahang pasyente ni Doc Analyn mula nang lumipat siya sa Eastridge Medical Hospital.

Nang magtagpo sina Mico at Doc Analyn, agad na napansin ng una ang taglay na kagandahan ng huli.

Sa naturang episode napanood din na nalagay sa panganib ang buhay ni Mico nang bigla na lamang siyang mag-collapse habang kausap ang pinakabatang doktor sa bansa at ang isang nurse sa Eastridge.

Bukod kay Michael, ilan pang Sparkle stars ang napanood na rin bilang guests sa Abot-Kamay Na Pangarap.

Kabilang na rito sina Max Collins, Shanelle Agustin, Patricia Coma, Jamir Zabarte, ang kambal na anak ni Carmina Villarroel na sina Mavy at Cassy Legaspi, at marami pang iba.

Panoorin ang eksenang ito:

Patuloy na tumutok sa Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.

Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito:

KILALANIN ANG IBA PANG NAPANOOD BILANG GUEST ACTORS SA ABOT-KAMAY NA PANGARAP SA GALLERY SA IBABA: