
Hinihintay na lang ng aktor na si Michael Sager na makalabas ng Bahay ni Kuya ang natitirang housemates ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition bago ang kanyang house blessing.
Related gallery: Michael Sager shows sneak peeks of his own house
Sa panayam ni Aubrey Carampel sa GMA Integrated News Interviews ng 24 Oras kina Michael, Shuvee Etrata, Vince Maristela, Josh Ford, at Ashley Ortega, sinabi ni Michael na hinihintay niya na lang matapos ang programa.
Pagbibiro niya, "Actually, hinahanda ko na po 'yung mga camera para ready na. Hinihintay ko talaga 'yung house blessing ko kapag kumpleto na kami."
Aminado rin si Michael na mayroong nagpapasaya sa kanya ngayon.
Samantala, ibinahagi naman ng dating housemates kung ano ang natutunan nila sa loob ng Bahay ni Kuya.
Sagot ni Shuvee, "To stay true to myself. My journey in PBB po talaga is so memorable because of the people inside. And 'yung pagiging genuine ko po sa lahat ng tao na nandoon made me a better person."
Hindi naman tinago ni Shuvee na nanghihinayang siya na natanggal siya sa loob ng bahay ilang linggo na lang bago ang big night. Aniya, "I was really there to win. It was set in my mind talaga, the moment I came, I was there to win."
"Nabago lang po 'yung nung nandoon na, and minahal ko na lahat ng tao doon."
Para naman kay Ashley, ang kauna-unahang Kapuso evictee, wala siyang pinagsisisihan sa naging journey niya sa loob ng bahay.
Aniya, "No regrets. Kaya pumasok ako sa Bahay ni Kuya is para makilala nila ako, and ma-inspire sila sa story ng buhay ko. Even though short 'yung stay ko sa loob ng PBB, I feel like nagawa ko na rin 'yung part ko."
"Maybe sabi ni Lord, hanggang doon na lang ako but in the outside world, sobrang daming blessings talagang dumating sa buhay ko."
Mapapanood ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition mula Lunes hanggang Biyernes, 9:35 p.m. at Sabado, 9:30 p.m., sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWanTFC, at TFC.
Maaari ring silipin ang mga nangyayari ngayon sa loob ng Big Brother house sa All-Access Livestream ng programa.
Abangan ang iba pang detalye tungkol dito sa GMANetwork.com at iba pang social media platforms ng GMA at ABS-CBN.