
Isa sa mga kaabang-abang na programa ng GMA ay ang Philippine adaptation ng hit Korean drama series na Shining Inheritance.
Related content: Cast ng PH adaptation ng KDramang 'Shining Inheritance', nagkita-kita na sa story conference
Ito ay pagbibidahan nina Kate Valdez, Kyline Alcantara, Michael Sager, Paul Salas, at Ms. Coney Reyes.
Base sa latest Instagram story post ni Michael, makikita na ongoing na ang taping para sa upcoming series at makikita ang kanyang topless na larawan habang nasa set.
“day one [lock emoji] shining inheritance,” sulat niya sa caption.
Bukod dito, ibinahagi rin ng Kapuso star ang larawan ng isang camera frame sa set.
Samantala, ipinakilala ni Kyline ang kanyang gagampanang karakter sa serye na si Joanna Dela Costa.
Ibinahagi ng Sparkle actress ang kanyang larawan kung saan suot niya ang all-black outfit at sinulat sa caption, "Meet Joanna Dela Costa #ShiningInheritance."
Sa isang panayam, matatandaan na inamin ni Kyline na siya ay kinakabahan sa kanyang bagong karakter.
“Natatakot po ako sa ibang bagay naman. Natatakot ako bilang maging kontrabida ulit kasi kung dati po comfort zone ko siya, ngayon hindi na po. So kinakabahan po ako,” aniya.
Kabilang din sa cast ng Shining Inheritance sina Wendell Ramos, Glydel Mercado, Aubrey Miles, Roxie Smith, Seth Dela Cruz, at Charuth.