GMA Logo Michael Sager
Source: michaelsager_/IG, pinoyfiestatoronto/IG
What's Hot

Michael Sager, magpapakilig sa Pinoy Fiesta sa Toronto

By Kristian Eric Javier
Published June 1, 2026 2:23 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Pulong Duterte says Marcos owes 2022 win to VP Sara, Palace hits back
Climber falls from rock on Mt. Apo
Lingling Kwong, Orm Kornnaphat's new series, 'In Love Forever,' comes out this June

Article Inside Page


Showbiz News

Michael Sager


Magpapakilig at magpapasaya si Michael Sager ngayong weekend sa Toronto, Canada!

Matapos magpakitang gilas sa Pinoy Bigbrother Celebrity Collab Edition at ipamalas ang galing sa pagkanta sa Born to Shine, handa namang magpakilig si Sparkle star Michael Sager sa magaganap na Pinoy Fiesta sa Toronto, Canada.

Ang Pinoy Fiesta and Trade Show sa Toronto ay magaganap ngayong June 6 at 7 sa Albert Square sa Scarborough, Ontario para ipagdiwang ang Filipino heritage sa bansa.

Kabilang sa mga event na magaganap sa Pinoy Fiesta ay ang food market kung saan matitikman ang mga iconic at authentic Filipino food, cultural celebration kung saan ilalahad ang isa sa mga pinakamalaking Philippine flag, Santacruzan, Kultura Dance Competition, at isang fashion show.

Pangungunahan ni Michael ang pagtatanghal sa Canada, kung saan ipapamalas niya ang talento sa pagkanta.

A post shared by OFFICIAL PINOYFIESTATO ACCOUNT (@pinoyfiestatoronto)

TINGNAN ANG ILAN SA MGA STYLISH PHOTOS NI MICHAEL SA GALLERY NA ITO:

Makakasama rin niya ang ilang Pinoy performers, kabilang si Jhap of Spades, isang full-time Filipino Magician sa Canada. Magdadala ito ng high-energy entertainment at mind-blowing mentalism sa mga dadalo.

Pupunuin din ng OPM vibes ang naturang event ng soulful singer na si Sophia Sambrana na magdadala ng powerful vocals at heartfelt performance. Magpe-perform din and talented Filipino-Canadian singer na si Rhett dela Cruz na bitbit ang kaniyang orihinal nga mga kanta at matitinding OPM ballads.

Abangan si Michael sa upcoming Pinoy Fiesta sa Toronto!