GMA Logo Cassy Legaspi, Michael Sager
What's on TV

Michael Sager, may update sa status nila ni Cassy Legaspi

By Kristian Eric Javier
Published August 23, 2024 10:59 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Tech innovator Dado Banatao passes away at 79
Mga pang-noche buena at laruan, inihatid ng GMAKF sa mga nilindol bago magpasko | 24 Oras
6 PDLs in Negros Occ released on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News

Cassy Legaspi, Michael Sager


Mapaamin kaya ni Tito Boy Abunda si Michael Sager sa estado nila ngayon ni Cassy Legaspi?

“All the way na, 10!”

Iyan ang simpleng sagot ni Shining Inheritance actor Michael Sager nang tanungin siya kung gaano na ka-intense ang nararamdaman niya para sa nali-link sa kaniyang aktres na si Cassy Legaspi.

Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Huwebes, August 22, tila napaupo sa hot seat si Michael nang tanungin siya ng host na si Boy Abunda sa lagay ng puso niya ngayon. Ang sagot ng aktor, “It's very happy po, Tito Boy.”

“I think with Cassy like we just have something special together. Being friends from Tahanang Pinakamasaya, nag-co-host po kami du'n, to having a Regal Studio Presents episode with her, so it's great being able to work with her and to have her as a friend,” sabi ni Michael.

Kuwento pa ni Paul Salas sa kaniyang co-star ay iba magtrabaho sa set si Michael kahit na makatanggap lang ito ng “Hi” na message mula kay Cassy Legaspi. Ayon pa ng aktor ay kitang-kita ang ngiti ni Michael tuwing nangyayari iyon.

Related Gallery: The jaw-dropping looks of Sparkle heartthrob Michael Sager

Nang banggitin naman ni Boy Abunda ang mga magulang ni Cassy na sina Carmina Villaroel at Zoren Legaspi, inamin ni Michael na blessed siya na boto sila sa kaniya para sa kanilang anak.

“Si Tita Mina, I first worked with her sa Abot-Kamay (na Pangarap) and I didn't know na we will have a close relationship together. Same with Tito Z,” sabi ng aktor.

Pag-amin pa ni Michael, tinuturing na niyang parent figures sina Carmina at Zoren lalo na at mag-isa lang siya sa Pilipinas dahil nasa Canada ang kaniyang mga magulang. “They always look out for me and I really appreciate that,” kuwento pa niya.

Ngunit tila hindi naman makasagot si Michael nang tanungin siya hypothetically ni Boy kung sakaling tanungin siya sino man kina Carmina o Zoren kung mahal niya ang kanilang anak.

“Hypothetical po, I mean - [It is answerable by a yes or no.] Yes na lang po,” sagot ni Michael.

Hindi ito ang unang beses na naupo si Michael sa "hot seat" dahil minsan na ring tinanong ni Carmina si Michael kung posible ba magkagusto ang young actor sa kaniyang anak na na si Cassy.