
Sa March 23 na ipapalabas ang musical drama series na Born to Shine. Pagbibidahan ito ng Sparkle stars na sina Zephanie at Michael Sager.
Gaganap si Zephanie bilang si Jeni, isang simpleng bata na may pangarap maging isang singer, habang gaganap naman si Michael bilang si Nate, na isa ring singer. Kaya naman, bilang paghahanda, nag-voice lessons ang aktor.
“I really had to embody ang isang singer. Mahirap pala talaga, mahirap din mag-perform, pero kinakaya para mabigyan ko ng justice 'yung character ko,” sabi ni Michael sa panayam sa kaniya ni Aubrey Carampel para sa 24 Oras nitong Huwebes.
Dahil musical, may mga eksenang magpe-perform sila ng live para sa serye. Makakasama rin nila ang ilan sa mga iconic pillars ng music industry kagaya na lang nina Manilyn Reynes, Vina Morales, Tina Paner, at Roselle Nava.
KILALANIN ANG KAPUSO SINGERS NA KILALA RIN BILANG ACTORS SA GALLERY NA ITO:
Sa panayam ng GMANetwork.com sa naganap na story con noong November 22, ipinahayag nina Zephanie at Michael kung gaano sila ka-excited na makasama ang iconic singers and actors sa kanilang serye.
Ayon kay Zephanie, wala namang kaba dahil singers ang mga makakasama nila, “It's more of I'm excited kasi I'm sure na kung ano man po 'yung mga natutunan at nabaon nila from their journey before is something na mai-she-share din nila sa amin through this show.”
Excited din umano ang aktres ibahagi na makakasama niya ang ilan sa mga beteranong aktres at singers sa kaniyang mommy dahil ito naman talaga ang nakasubaybay sa kanila.
Nakikita naman ni Michael bilang malaking oportunidad para matuto mula sa veteran actors na makasama nila sa serye.
“Grabe po 'yung experience ko sa previous shows, working with [veterans] na ang dami ko talagang nabaon for my future projects. And sa mga natutunan ko noon, baon ko ngayon, but ngayon, I'm so excited to work with so many and I feel like just that alone is a blessing,” sabi ni Michael.
Panoorin ang panayam kina Michael at Zephanie dito: