
May bago at kakaibang task na natanggap si Michael Sager bilang isang Kapuso.
Kasunod ng pagka-evict sa Bahay ni Kuya sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition, bumisita si Michael sa GMA morning show na Unang Hirit kasama ang kaniyang ka-duo na si Emilio Daez.
Bukod sa pagpunta sa Unang Hirit studio bilang isa sa guests, inanunsyo rito ang mahalagang task ng Sparkle star.
Pag-anunsyo ni Lyn Ching, “Sa week na ito, ikaw Michael [Sager] ay inaatasang maging host-mate ng Unang Hirit.”
“Yes, mga Kapuso, you heart it right. Mula sa pagiging housemate ni Kuya ay si Michael ang ating bagong magiging official host-mate sa Unang Hirit,” sabi naman ng isa pang UH host na si Shaira Diaz.
Related gallery: Who is Michael Sager?
Kita sa mukha ni Michael ang tuwa at excitement para sa kaniyang bagong proyekto.
Pahayag niya, “From housemate to host-mate, I'm so happy. Excited na ako kasi ibang hamon 'to, it's in the outside world.”
Samantala, si Michael ang ka-duo ng Star Magic artist na si Emilio Daez bago sila lumabas sa Bahay ni Kuya sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.
Mapapanood ang pinag-uusapang teleserye ng totoong buhay ng mga sikat, weekdays 10:00 p.m. at weekends, 6:15 p.m., sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWanTFC, at TFC.
Maaari ring silipin ang mga kaganapan ngayon sa loob ng Big Brother house sa All-Access Livestream ng programa.
Abangan ang iba pang detalye tungkol dito sa GMANetwork.com at iba pang social media platforms ng GMA at ABS-CBN.