GMA Logo Michael Sager helps local drivers
Source: michaelsager_ (IG)
Celebrity Life

Michael Sager shows support for local drivers through anniversary fan project

By EJ Chua
Published June 30, 2026 12:09 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Ombudsman panel eyes Bonoan as witness in Bong Revilla flood control case
Cebu City to get metal detectors, conduct active shooter drills
Zeinab Harake walks the runway with daughter Bia

Article Inside Page


Showbiz News

Michael Sager helps local drivers


Nakiisa si Michael Sager sa outreach activity na tinawag na 'Ayuda Sager: Kada Pasada, May Pag-asa'; 'Libreng Pagkain para kay Manong Driver.'

Isang special outreach activity ang pinaglaanan ng oras ni Michael Sager nitong nagdaang weekend.

Sa kanyang Instagram Stories, ibinahagi ni Michael Sager ang ilang photos, kung saan ipinasilip niya ang mga naging kaganapan sa donation drive na inilunsad ng kanyang fans para sa celebration ng kanilang anniversary.

Ang anniversary fan project na ito ay tinawag nilang 'Ayuda Sager: Kada Pasada, May Pag-asa.'

Kasama ang fans sa tabi ng isang police station sa Maynila, makikita sa photos ang Sparkle star na may hawak na papel na may nakasulat na 'Libreng Pagkain para kay Manong Driver.'

All smiles si Michael habang nagbabahagi ng pagkain sa local drivers kasama ang kanyang fans.

“Special Sunday with @michaelsagerglobal,” sulat niya sa caption ng isa sa kanyang stories sa Instagram.

Mababasa naman sa isa pang story ni Michael, “Much love to my @mcdo_ph fam.”

Isa si Michael Sager sa ex-housemates ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition at kasalukuyan siyang napapanood sa hit musical-drama series ng GMA na Born to Shine.

RELATED CONTENT: Celebrities who show support for local drivers