
Nakisaya ang Kapuso stars na sina Michael Sager at Zephanie sa The Boobay and Tekla Show nitong Linggo (November 19).
Related content: All the times Zephanie and Michael Sager went on a date
Sa pagbisita ng guest celebrities sa nasabing programa, tinanong sila ng TBATS host na si Boobay kung ano ang label ng kanilang relationship.
“Siguro our label is special friends,” ani ng Shining Inheritance star.
Nang dahil dito, dagdag na tanong ng komedyante ay kung gaano kaespesyal ang kanilang pagiging special friends. Ano kaya ang naging sagot ni Zephanie rito? Alamin sa video sa ibaba.
Matapos ito, sumabak sina Michael at Zephanie sa masayang trivia quiz na “'Wag Na 'Wag Mong Sasabihin.”
Bukod dito, naging biktima ng prank si Zephanie sa “Na-TBATS Ka!” matapos ang kunwaring sagutan nina Michael at Tekla.
Ano kaya ang naging reaksyon ng Kapuso singer matapos siyang ma-prank? Panoorin sa video na ito.
Para sa nonstop tawanan at good vibes, tutok lamang sa The Boobay and Tekla Show tuwing Linggo, 10:25 p.m, sa GMA, Pinoy Hits, at Kapuso Stream.