GMA Logo Michael Sager Vince Maristela Raheel Bhyria Sean Lucas
What's on TV

Michael Sager, Vince Maristela, Raheel Bhyria, Sean Lucas, thankful sa mga natutunan nila sa 'Luv Is: Caught in His Arms'

By Jimboy Napoles
Published March 9, 2023 12:44 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Firework-related injuries now at 91 —DOH
Purple Hearts Foundation brings joy via year-end gift-giving outreach
Davao police say boy’s injury not caused by firecrackers

Article Inside Page


Showbiz News

Michael Sager Vince Maristela Raheel Bhyria Sean Lucas


Ibinahagi nina Michael Sager, Vince Maristela, Raheel Bhyria, at Sean Lucas ang kanilang mga natutunan bilang mga Ferell sa 'Luv Is: Caught n His Arms.' Basahin DITO:

Nagpapasalamat ang Sparkle actors na sina Michael Sager, Vince Maristela, Raheel Bhyria, at Sean Lucas sa kanilang mga natutunan sa kanilang first-ever Kapuso series na Luv Is: Caught in His Arms.

Sa ginanap na Grand Fans Day ng nasabing kilig series kamakailan, eksklusibong nakapanayam ng GMANetwork.com ang teen actors, na nagbahagi ng mga aral na nakuha nila sa kanilang mga karakter bilang mga Ferell.

Ayon kay Michael, na gumaganap bilang si Owen Ferell, natutunan niya na huwag manghusga ng kapwa at kilalanin muna ang mga bagong taong nakikilala mo.

Aniya, “Dapat in life we have to not judge everyone agad kasi at the end of the day makikita natin 'yung totoong ugali nila and kung mabuti and matitino at magaganda ang puso so we should just spread the love and be nice to one another.”

Para naman kay Vince, na gumaganap bilang si Tristan Ferell, mahalaga na unahin ang pamilya sa lahat ng bagay.

“Siguro ang pinaka-lesson na natutunan ko sa character ko is family first sa lahat ng mga bagay. Siyempre, tayong mga Pilipino ganun naman talaga tayo, lagi nating inuuna 'yung pamilya natin and siyempre mas nakaka-inspire lang doon sa character ko,” pagbabahagi ng aktor.

Gaya ni Vince, kahalagahan ng pamilya rin ang napulot na aral ni Raheel o si Aldus Ferell sa serye.

“Same ako with Vince, kay Tristan, na family first talaga, after nung taping namin mas lalo akong napalapit sa family ko kasi I realize na family will always be there for you,” ani Raheel.

Simple pero makahulugan naman ang naging pahayag ni Sean a.k.a. Troy Ferell tungkol sa kanyang natutunan sa serye.

Aniya, “It's better to try and fail, fail hard than just to live life with regret.”

Ang Luv Is: Caught in His Arms ay ang first collaboration project ng GMA at ng Wattpad Webtoon studios na TV adaptation ng hit web novel na Caught in His Arms. Ito ay pinagbibidahan nina Sofia Pablo at Allen Ansay.

Samantala, abangan ang mas tumitinding mga tagpo sa huling dalawang gabi ng Luv Is: Caught in His Arms, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad. Mapapanood din ito sa GTV 11:30 p.m, ngayong Huwebes, at 11:00 p.m. naman bukas, Biyernes. Balikan naman ang mga episode sa Pinoy Hits channel 6 sa GMA Affordabox at GMA Now.

BALIKAN ANG BEHIND-THE-SCENES PHOTOS NG LUV IS: CAUGHT IN HIS ARMS SA GALLERY NA ITO: