
Feel na feel ng titos of Manila ang newest parody song ng award-winning comedian na si Michael V. na nag-debut sa Bubble Gang ngayong Linggo ng gabi.
Viral sensation ang parody single na "Feeling" na inspired ng hit collaboration nina Dionela at Jay-R na "Sining".
Sa panayam ng 24 Oras kay Direk Bitoy, nagbigay pa ito ng ilang detalye tungkol sa parody song.
Aniya, “Feeling [ang title] kasi Tito siya na feeling bagets pa. So eto, para 'to sa mga titos of manila 'to. Dedicated para sa inyong lahat ito.”
“Para maipakita 'yung kung gaano ka-awkward 'yung mga tito na sa isang lugar na ganito na hindi na pang Tito, pang bagets na.”
Noong Lunes, May 19, umarangkada na rin ang Bubble Gang ng Bayan auditions na idinaos sa GMA Network sa Quezon City at talagang pinilahan ito ng mga promising comedians na gustong maging official Ka-Bubble.
This 2025, pinaghahandaan din ng flagship gag show ng GMA-7 ang kanilang grand 30th anniversary.
RELATED CONTENT: Michael V.'s hit parody songs!