
Kapwa binalikan nina Michael V. at Mikoy Morales ang pagkakataon na nakatrabaho nila ang Spider-Man actor na si Jacob Batalon para sa anniversary special episode ng Bubble Gang na "Scavengers, Assemble," na parody ng Marvel film na The Avengers.
Sa Instagram post ni Michael V, makikita ang larawan nito kasama si Jacob at ang kanyang autographed DVD copy nang 2017 film na Spider-Man: Homecoming.
"Flex Ko Lang," sulat ng comedy genius. "Kitang-kita ang pagka-Pinoy n'ya sa mga interview."
Mapapanood din ang clip ni Jacob habang tinatanong ng Spider-Man: No Way Home co-stars nito na sina Tom Holland at Zendaya tungkol sa naging guesting niya sa Bubble Gang noong 2019.
Aniya, "'Bubble Gang' is a Filipino sketch show that is really popular in the Philippines. So when I did the press tour by myself in Asia, it was really dope, what I did in 2019. It was so fire and it was the best time."
Samantala, ikinuwento naman ni Mikoy ang mga eksena nila Jacob sa naging guesting nito sa Bubble Gang.
Ayon sa aktor, naaalala pa ni Jacob noong panahong sinabihan niya ito set ng "kaya mo 'yan" para palakasin ang loob nito dahil sa paulit-ulit na take.
Isa si Jacob sa mga bida ng Spider-Man: No Way Home. Ginagampanan niya ang papel ni Ned, ang bestfriend ni Peter Parker na binibigyang buhay naman ni Tom Holland.
Mapapanood ang Spider-Man: No Way Home sa Philippine cinemas sa 2022.
Samantala, balikan ang naging pagbisita ni Jacob Batalon sa GMA Network sa gallery na ito: