What's on TV

Michael V. and Vice Ganda's collab teaser excites fans

By Aedrianne Acar
Published October 23, 2025 10:52 AM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Heat's Terry Rozier seeks to have government charges dismissed
Bagong steel hanging bridge, handog ng GMA Kapuso Foundation sa Rodriguez, Rizal | 24 Oras
Hospitals activate Code White on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News

Vice Ganda feature in Bubble Gang, 30th anniversary


Mga Batang Bubble, this Sunday na ang tapatan nina Mr. Assimo (Michael V.) at Meme Vice Ganda!

Mark your calendar on October 26, mga Batang Bubble, dahil it's an “Unkabogable Sunday.”

Mapapanood na sa second part ng “BG30: Batang Bubble Ako Concert” ang grand collaboration ng multi-awarded comedian na si Michael V. at It's Showtime host Vice Ganda.

May inilabas na video teaser ang Pambansang Comedy Show sa Facebook na lalong nagpa-excite sa fans at netizens, kung saan makikita na nagtarayan si Meme Vice at ang karakter ni Bitoy na si Mr. Assimo!

Komento ng mga Batang Bubble na kaabang-abang ang magiging tapatan daw ng mga “pilospo” sa episode this weekend.

Nauna nang sinabi ni Vice sa Kapuso Showbiz News na “dream come true” moment ang magiging collab niya kay Direk Michael V. sa Bubble Gang.

“Malaki ang impact ng Bubble Gang sa comedy, kasi iba't ibang uri ng comedy 'yung pinapakita dito," sabi ng It's Showtime host. "Maraming natuto na mga komedyante sa mga pamamaraan ng pagpapatawa. So lahat 'yun makikita mo sa Bubble Gang. 'Tsaka, 'yung sinasabi ko nga 'pag komedyante ka magku-kompleto ng pagiging komedyante mo pagka nakapag-Bubble Gang ka.”

Kung nabitin kayo, mga Batang Bubble, don't worry dahil mapapanood ang part two ng grand 30th anniversary concert sa Sunday Grande sa gabi, October 26 sa oras na 6:10 p.m., pagkatapos ng 24 Oras Weekend.

RELATED GALLERY: Prime stars featured on 'Bubble Gang''s 30th anniversary special