
May hatid man na ngiti ang pagdating ng Setyembre, dahil hudyat na ito ng nalalapit na Kapaskuhan, hindi naman maiwasan na malungkot pa rin ang ilan dahil sa nararanasan nating COVID-19 pandemic.
Sa mga nararanasan natin, napaisip tuloy ang seasoned comedian at COVID-19 survivor na si Michael V. kung paano ipagdiriwang ng mga Pinoy ang tradisyunal na Simbang Gabi.
Sa Instagram post ni Direk Bitoy, ipinasilip niya ang isang Christmas tree habang nanood ng online misa.
Saad niya, “Hindi ko wini-wish pero nai-imagine ko nang ganito ang itsura ng Simbang Gabi this year.”
Maraming netizens ang napa-react sa Instagram post ni Michael V., bagama't bakas ang pag-aalala ng mga ito, nanatili pa rin positibo ang pananaw nila sa paparating na Pasko.
Nitong Sabado, September 5, napanood ang special comeback episode ng Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento, kung saan ibinahagi ng mga cast members ang kanilang experience sa gitna ng pandemya.
Nakaka-inspire din si Michael V. na muling nagkuwento ng kanyang pinagdaanan nang tamaan ng COVID-19.
Kayo mga Kapuso, ano-ano sa tingin niyo ang magbabago sa pagdiriwang natin ng Pasko?
Related content:
Manilyn Reynes at Arthur Solinap, sumabak na sa taping para sa 'Pepito Manaloto'
Nakakaaliw na 'Pepito Manaloto' viber stickers, available na!