What's Hot

Michael V at Iya Villania, excited sa pagbabalik ng TomDen sa 'Lip Sync Battle Philippines'

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 10, 2020 5:17 PM PHT

Around GMA

Around GMA

2 nabbed, P3.92M in smuggled cigarettes flagged at checkpoint
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News



Abangan ang gagawin ng TomDen na hindi pa nila nagagawa sa buong career nila!


By FELIX ILAYA

 

#LSBPhilippines sa Sabado na after #PepitoManaloto! Sino excited??? #LipSyncBattle

A photo posted by Michael V. ???????? (@michaelbitoy) on


Dalawang tulog na lang at ipapalabas na ang pilot episode ng nag-iisang musical-reality show sa bansa, ang Lip Sync Battle Philippines! Habang naghahanda ang dalawang unang kalahok ng show na sina Tom Rodriguez at Dennis Trillo, nakapanayam sa isang press conference ang hosts ng Lip Sync Battle Philippines na sina Michael V at Iya Villania upang malaman ang mga pasabog na dapat abangan sa darating na Sabado (February 27).

Ayon kay Bitoy, masaya siya na ang pinakainaabangang balik tambalan nina Tom at Dennis o TomDen ay mangyayari sa kanilang show.

"'Yung pagbabalikan nila [TomDen], maganda na dito nangyari sa Lip Sync Battle Philippines at [mukhang] kina-career talaga ng dalawa ah."

Dagdag pa ni Bitoy, mayroon ding gagawin ang TomDen na hindi pa nila nagagawa sa buong career nila. Ano kaya ito? Abangan!