What's Hot

Michael V. at Manilyn Reynes, may patikim sa mangyayaring kasal sa 'Pepito Manaloto'

By Aedrianne Acar
Published May 30, 2026 2:30 PM PHT

Around GMA

Around GMA

The red devils at the Farnborough International Airshow 2026
Tips for collectors of toys, cards, or anything that sparks joy
New Era of Romance: why the Philippines is evolving into a world-class wedding destination

Article Inside Page


Showbiz News

Michael V, Manilyn Reynes


Mapupuno ng kilig ang 16th anniversary episode ng award-winning sitcom na 'Pepito Manaloto' mamayang gabi (May 30)!

Maraming fans at viewers ng award-winning sitcom na Pepito Manaloto ang curious sa isang wedding ceremony na ipinost sa iba't ibang social media pages ng show.

Kaya naman, ganu'n na lang kataas ang excitement at kilig na nararamdaman ng mga Kapuso sa mangyayari sa well-loved sitcom. Hindi na sila maghihintay pa nang matagal dahil mangyayari na ito sa episode ng Pepito Manaloto ngayong Sabado ng gabi.

Michael V and Manilyn Reynes

Source: 24 Oras & GMANetwork.com

Kuwento ni Direk Michael V. kay Athena Imperial sa panayam nito, “May kasalang mangyayari ngayon. Abangan n'yo!”

Sinegundahan naman ito ni Manilyn Reynes na gumaganap na misis ni Pepito na si Elsa, “Isang importanteng yugto ng buhay.”

Tutukan ang special 16th anniversary episode ng Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento. Para naman sa updates tungkol sa sitcom, please visit GMANetwork.com.

RELATED CONTENT: Throwback: Off-cam bonding ng Pepito Manaloto actors