GMA Logo michael v reacts to death hoax about him
What's Hot

Michael V., biktima ng death hoax habang nagpapagaling mula sa COVID-19

By Aedrianne Acar
Published July 21, 2020 10:22 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Manila City illuminates its Christmas tree and celebrates with a concert
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

michael v reacts to death hoax about him


Michael V. upon reading death hoax about him: “Muntik ako mahulog sa kama!”

Habang nagpapagaling mula sa COVID19 si Michael V., ikinalungkot niyang malaman ang kumakalat na death hoax tungkol sa kanya.

Kasunod ng paglabas ng kanyang "Bitoy Story" vlog, kung saan ibinalita niyang positibo siya sa COVID-19, lumabas ang maling balita tungkol sa diumano'y pagpanaw niya.

Sa ngayo'y nabura nang Twittter post ni Michael V., ramdam ang labis na pagkadismaya niya nang makita ang fake news tungkol sa kanya.

Aniya, “Gusto ko lang imulat ang mga tao sa dangers ng COVID pero ibang danger po ang ipi-prisinta n'yo sa pagkakalat ng mga ganito.

“Netizens, kayo na po bahala.”

Wala pang opisyal na pahayag si Bitoy kung bakit niya binura ang kanyang post.

Burado na ang naturang post ni Michael V sa lahat ng kanyang social media accounts

Matapos inanunsyo ng Kapuso comedian na tinamaan siya ng COVID-19, bumuhos naman ang suporta at panalangin para sa agarang paggaling niya.

Naging top-trending topic din siya sa Twitter Philippines.

Panoorin ang kabuuan ng kanyang vlog dito: