
Time out muna sa pagpapatawa at pagiging creative director si Michael V. ngayong siya ay nasa Japan kasama ang kaniyang pamilya for a much-needed vacation.
Sa Instagram post ng multi-awarded Kapuso comedian, isa sa mga binisita nila ng kaniyang asawa na si Carol Bunagan, ang Nagano Prefecture kung saan ramdam na ang fall season
Hindi rin pinalagpas ni Direk Bitoy na tuparin ang isa sa mga nasa bucket list niya at ito ay ma-try ang paragliding.
Post ni Michael sa Instagram, “Bucket list checked!
"Dati sa panaginip lang ako nakaka-experience ng paglipad. Nu'ng sinubukan namin ni misis 'tong PARAGLIDING, gano'n pala talaga ang feeling! Eksakto sa panaginip mo!
"Grabe 'yung literal na “high”! @ayoito Ulitin natin 'to ha?"
Tuwang-tuwa naman ang co-stars niya na sina Manilyn Reynes at John Feir sa Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento sa memorable experience niya at napa-comment ang mga ito sa IG post.
KILALANIN PA NANG HUSTO ANG AWARD-WINNING COMEDIAN NA SI MICHAEL V. DITO: