
Alamin ang kuwento ng tattoo ni Michael V at ang koneksyon nito sa yumaong si rapper.
Pitong taon man ang nakalipas pero sariwa pa rin ang alaala ng nag-iisa at tinuturing na pinakamagaling na Pinoy rapper na si Francis M.
Link this: Remembering The Master Rapper Francis Magalona
Kahapon (March 6), bumisita ang buong Magalona family sa libingan ni Francis M sa Loyola Memorial Park para gunitain ang kanyang death anniversary.
Namatay si Francis M sa sakit na leukemia taong 2009.
At bilang tribute sa matalik na kaibigan, nagbahagi ng kuwento sa Instagram ang Kapuso comedy genius na si Michael V patungkol sa Master Rapper at ipinaliwanag niya ang kahulugan ng kanyang tattoo sa likod na kanyang dine-dedicate para sa yumaong bestfriend.