
Walang tatalo sa handog na regalo ng birthday boy na si Michael V. para sa mga loyal Ka-Bubble, matapos ipakita ang bago niyang parody song last Sunday night sa Bubble Gang.
Ngayon naman ang OPM hit ng SunKissed Lola na “Pasilyo” ang ginawan niya ng parody na tinawag niyang “Sipilyo.”
Agad na gumawa ng ingay online ang kanta na Sipilyo ni Direk Bitoy na kinaaaliwan ng netizens.
May 166 million streams on Spotify ang OPM song na “Pasilyo” at ang lyric video naman ng kanta ay may 52 million views on YouTube
PARODY SONGS OF MICHAEL V. YOU SHOULD LISTEN TO:
Samantala, sinorpresa naman si Bitoy ng kanyang co-stars sa Bubble Gang. Sa unang parte ng show, sinabi ng award-winning Kapuso comedian na wish niya ang “happiness” ng lahat ng viewers ng gag show.
Aniya, “Wala na akong ibang wish, kundi ang maging masaya lahat ng nanonood ng Bubble Gang.”
May personal naman na mensahe sina Analyn Barro, Cheska Fausto at Matt Lozano para kay Kuya Bitoy na i-pinost nila sa kanilang Instagram Stories.
Happy Birthday, Ka-Bubble Bitoy!