
Special moment para sa multi-awarded comedian na si Michael V. ang grand 30th anniversary concert ng Bubble Gang na idinaos nitong Linggo, October 5.
Nakasama pa ni Direk Michael ang ilan sa mga dating Ka-Bubble tulad nina Diana Zubiri, Ara Mina, Maureen Larrazabal, at Mikoy Morales.
Naki-party din ang preggy mom na si Valeen Montenegro, Arra San Agustin, Faye Lorenzo, Juancho Trivino at Alma Concepcion.
Sa panayam ni Kapuso showbiz reporter Aubrey Carampel kay Bitoy, umamin ito na emosyonal siya na makita ang mga dating katrabaho.
“Nung nandidito na muntik na akong bumigay, na-miss ko talaga sila e. I miss working with them, kahit 'yung simpleng pagkain lang with them sa dressing room. Nakaka-miss 'yung mga ganun experience,” sabi niya sa 24 Oras.
Isa rin sa A-list celebrities na dapat abangan sa two-part anniversary special ng Bubble Gang na mangyayari sa October 19 at October 26 ang appearance ni Unkabogable Star Vice Ganda.
Ani Bitoy, “Nakakatuwa pareho kami ng wish at parehong natupad ito sa 'Bubble Gang' and hopefully ito 'yung simula at hindi ito 'yung wakas.”
Ramdam naman sa mga Batang Bubble na sina Paolo Contis at Kokoy De Santos ang kasiyahan na maging parte ng iconic comedy show.
Nagpasalamat naman si Paolo sa kaniyang home network para sa walang sawa nitong suporta sa gag show. “We are very thankful sa GMA, kasi alam mo naman ang Bubble [Gang]. May mga times 'yan na puwede bumaba, puwede tumaas. We are very thankful sa GMA na hindi nila kami pinababayaan, they find ways na they make sure na Bubble stays relevant. At tsaka ngayon, patapang kami nang patapang.”
Dagdag naman ni Kokoy, “Talagang Ka-Bubble ako at sobrang happy ako, forever grateful ako para sa 'Bubble Gang' at happy ako dito sa 30th anniversary.”
Heto ang pasilip sa grand concert ng Bubble Gang sa gallery below.