GMA Logo michael v
Photos by Chika Minute, 24 Oras
What's on TV

Michael V. enjoys his hosting stint on 'Family Feud'

By EJ Chua
Published September 19, 2026 6:30 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Mico, diretsahang sinabi kay Chloe na wala siyang gusto sa kanya?! - BLSTV | Barangay Love Stories
Anne Curtis shares her 20-minute beauty fix
Your Daily Dose of Chika and Budol Finds: Chika Cart airs on GTV beginning September 28!

Article Inside Page


Showbiz News

michael v


Michael V. bilang pansamantalang host ng 'Family Feud': “Napakasarap ng energy.”

Nagsimula na ang pansamantalang pag take over ni Michael V. para kay Dingdong Dantes bilang host ng 'Family Feud.'

Sa showbiz report ni Aubrey Carampel na ipinalabas sa '24 Oras,' nagbigay ng pahayag si Michael V. tungkol sa kanyang hosting stint.

Ayon sa kanya, nae-enjoy niya ang pagiging host ng game show, kabilang na ang pakikipag-interact sa guests at maging sa audience na nasa studio.

“Nag-enjoy ako. Palagi kong iniisip, palagi ko ring ini-imagine na ano kaya kung… sarap siguro mag-host ng show na 'yun, especially dahil nga sa interaction mo with contestants at saka sa audience,” sabi ni Michael V..

Ayon pa sa comedian-actor na ngayon ay isang host, “For sure, nami-miss ni Dingdong [Dantes] 'yung mga kasamahan niya at saka 'yung live audience, napakasarap ng energy.”

Pansamantalang namahinga si Dingdong Dantes sa pag-host ng 'Family Feud' upang mas matutukan ang taping para sa pinagbibidahan niyang serye na 'The Master Cutter.'

Bukod naman sa pansamantalang pag-host ng game show, napapanood din si Michael V. sa 'Bubble Gang' at Pepito Manaloto.'