What's on TV

Michael V., hindi ma-explain ang success ng 'Ikaw at Ang Ina'

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 18, 2020 2:35 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Simbang Gabi (December 15, 2025) | GMA Integrated News
Teen stabbed multiple times in Dueñas, Iloilo
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News



May bagong character na kinagigiliwan sa longest-running gag show na 'Bubble Gang'. Inaabangan ng Kapuso viewers ang segment na 'Ikaw at Ang Ina' tuwing Biyernes dahil sa kakatuwang hirit ng character ni Michael V., si Ina Moran.

"Hanggang ngayon, dapat nga ako ang tanungin ni Ina Moran ng 'Paki-explain.' Kasi hindi ko ma-explain eh."

'Yan ang pahayag ng batikang komedyante na si Michael V. nang hingan namin ng reaksyon tungkol sa tagumpay ng Bubble Gang segment na Ikaw at Ang Ina. Sa nakakaaliw na segment na ito ating napapanood si Ina Moran, played by Bitoy, na laging pinagsasabihan ang anak na si Selphie, played by Sef Cadayona, tungkol sa mga pino-post nito sa social networking sites.

Bitoy says that the overwhelming response of the audience clearly shows that many are aware of the generation gap between parents and their children.

"Kaya maraming nakaka-relate dahil maraming mga magulang na nagsasabi sa generation natin ngayon na 'Hindi ko naiintindihan 'yan. Ano 'yang ginagawa mo? Ano 'yang pinagagawa mo sa akin? Bakit wala niyang nung panahon ko? Paki-explain.' At dahil nga anak, siyempre hindi mo maiiwasan na hindi mahalin, kaya laging may karugtong na 'Labyu,'" he explains.

Ang episode last Friday ay tungkol sa makapal na makeup ni Selphie, na ikinagulat ni Ina dahil sasama lang naman daw ang anak niya sa kanyang pamamalengke. Hindi naiwasan ni Ina na sabihan si Selphie ng "Mamamalengke ka lang, ganyan kakapal ang makeup mo? Bakit, tingin mo liligawan ka ng mga karne? Tingin mo sisipulan ka ng mga isda?"

Ano naman ang masasabi niya sa gumaganap na Selphie na si Sef Cadayona?

"Actually nakakatuwa nga dahil kahit napaka-minimal nung mga linya niya, minsan wala, parang dalang-dala niya 'yung pagiging Selphie niya. Nae-embody talaga niya 'yung generation ngayon."

Dagdag pa ni Bitoy, may mga major na mangyayari sa Bubble Gang, lalo na sa Ikaw at Ang Ina, na dapat abangan. Pihadong makakahanap na raw ng katapat si Ina Moran.

Alamin ang mga bagong pasabog sa longest running gag show ng bansa, ang Bubble Gang, every Friday pagkatapos ng GMA Telebabad. For updates on Bubble Gang and other Kapuso shows, visit GMANetwork.com. -- Text by Michelle Caligan, GMANetwork.com