
Noong dekada '70, isa si multi-awarded comedian Michael V. sa mga naging fan ng anime series na Voltes V, na ipinalabas sa GMA-7 noong May 1978.
Mahigit apat na dekada na ang nakaraan, hindi pa rin maialis ni Bitoy ang pagmamahal niya sa serye kaya naman nakahiligan na niyang mangolekta ng ilang laruan na hango sa anime.
Sa kanyang latest vlog na “#BitoyStory 24: Voltes V,” ikinuwento niya kung paano nagsimula ang paghanga niya sa Japanese anime mecha gamit ang isang kanta at isinadula pa niya gamit ang ilang laruan mula sa kanyang koleksyon.
Kanta ni Bitoy, “Noong unang panahon, panahon pa ni Makoy [Ferdinand Marcos], may isang batang ang pangalan ay Bitoy.
"Sa tenement sila nakatira, palagi siyang nakaupo sa harap ng TV nila.
“Mahilig maglaro kahit hindi laruan, kaya lagi na lang ako napapagalitan at para manahimik at hindi magkalat, bibitawan ko ang lahat kapag TV na ang katapat.
“'Di ko malilimutan nung una kong napanood, pawis dahil sa paglalaro pero nawala ang pagod.
"May bagong palabas sa GMA ngayon ko lang nakita, si Voltes V, pero 'di ko siya kilala.
“Ang lima naging isa, naging astig na robot pero spaceship siya kanina. Noon pa lang ako nakapanood ng ganon. W-T-F. OMG. Mindblown.”
Kuwento pa ni Bitoy, nagsilbing inspirasyon para sa marami niyang skits ang Voltes V at ang theme song nito sa Bubble Gang.
“Nung napanood ko na 'yung story naikuwento ko 'yung ending sa buong creative group ng Bubble Gang. At that time, pinagpaplanuhan pa lamang namin 'yung parody ng Dating Daan, 'yun 'yung 'Ang Dating Doon.'
“Nung nabuo na 'yung 'Ang Dating Doon,' naghahanap sila ng opening theme song at dahil nga napag-usapan yung ending ng Voltes V, tinanong ni Isko Salvador kung may nakakaalam ng theme song [nun].
"At dahil kabisado ko, by heart, ang lyrics niya, kaya ako mismo 'yung nagsulat sa Manila paper at ako mismo ang naghawak para makita at makanta ng lahat.
“At tanggapin niyo man o hindi, 'Ang Dating Doon' ang naging daan para 'yung dating daan-daan na fans ng Voltes V ay magkaroon ng dahilan para mapaalam sa buong mundo ang pagmamahal namin sa kanya.”
Panoorin ang buong vlog ni Bitoy:
Pakinggan naman ang buong theme song ng "Ang Dating Doon"
Sa ngayon, mayroong nakatakdang live-action adaptation ng Voltes V sa GMA Network na ididirehe ni Mark Reyes.
LOOK: Michael V ecstatic about GMA's much-awaited 'Voltes V: Legacy' live adaptation
ON THIS DAY: 'Voltes V' aired on GMA 42 years ago