
Likas man sa pagiging positibo sa buhay ang award-winning comedian at content creator na si Michael V., hindi pa rin nito naiwasan mag-alala sa kahihinatnan ng kanyang trabaho bilang isang artista nang magsimula ang COVID-19 pandemic.
Pinaluhod ng coronavirus ang buong showbiz industry, dahil kailangan ipatigil ang shootings, tapings at iba pang aktibidad para masugpo ang pagkalat ng coronavirus.
Kaya lubhang tinamaan ng husto ang mga nasa entertainment industry.
Ito ang tinalakay ng three-time Asian TV awards Best Comedy Actor sa latest vlog niya na 'Bitoy Story 27.'
Ayon kay Direk Michael, malaking adjustment para sa kanilang mga artista ang “work from home” setup.
Aniya, “Now more than ever, kaming mga artista kailangan namin seryosohin 'yung work from home.
“Alam ng marami na medyo mahirap lalo na sa mga taga-showbiz itong nangyayari sa mundo, kasi hindi normal para sa amin 'yung mag-taping or mag-shooting mag-isa.”
Dagdag niya, “Marami kasi sa amin na sanay na dadating lang sa taping tapos aarte lang kami,
“Going back, marami kasi sa amin mga artista ang umaasa sa network para mag-conceptualize, mag-produce at saka mag-ere nung mga TV programs na alam nila na babagay sa mga talents.”
Binigyan diin din ni Bitoy na dahil sa ipinatupad na panuntunan noong enhanced community quarantine (ECQ) noong Marso, malaking dagok ito hindi lamang sa mga celebrity kundi sa lahat ng mga tao na konektado sa pagpro-produce ng content mapa TV o sa pelikula, dahil nawalan sila ng kabuhayan.
"During the lockdown, siyempre natigil 'yung mga tapings mga shootings. Ibig sabihin, hindi lamang mga artista ang nawalan ng trabaho, kundi lahat ng mga taga-industriya.
“Majority sa amin apektado noong “no-work, no-pay” policy. Hindi lang 'yun, kagaya ng marami umaasa kami sa susuwelduhin namin, kasi lahat naman tayo may babayaran buwan-buwan. So, kung walang trabaho, walang raket e kailangan gumawa ng paraan para kumita.”
Kaya hindi daw nakakagulat para kay Michael V. na maraming artista ang isa-isang nag-launch ng kani-kanilang YouTube channel nitong mga nagdaan na buwan para may konting income kahit papaano.
Pero na-realize ng Kapuso comedian na “isang bagong challenge” ang pagpo-produce ng content sa YouTube.
Anu-ano ba ang napansin ni Bitoy, bakit hindi basta-basta ang pagco-conceptualize ng isang vlog?
Alamin ang buong kuwento sa Bitoy Story 27, panoorin:
GMA Affordabox No. 1 in 'trending' list of TV receivers in e-commerce giant
WATCH: Michael V., pinag-usapan ang isyu ng racism sa kanyang latest vlog
LOOK: Michael V ecstatic about GMA's much-awaited 'Voltes V Legacy' live adaptation