
Deserve mo ang more tawa this weekend, mga Kapuso!
Kaya naman ang tatlo sa pinakamalaking bituin sa show business na sina Michael V., Manilyn Reynes, at Kapuso Primetime King Dingdong Dantes ay iniimbitahan ang lahat para sa biggest collaboration ng taon.
Sa darating na January 26, magsasama-sama ang pinakamahuhusay na comedians ng bansa para sa More Tawa, More Saya: A GMA Comedy Show na gaganapin sa Robinsons Galleria Ortigas ngayong Linggo, January 26, 4:00 p.m.
Makikisaya sa big event na ito ng GMA Network at GMA Entertainment group ang mga bida ng Bubble Gang na sina Betong Sumaya, Analyn Barro, Kokoy de Santos, Cheska Fausto, at Matt Lozano.
Hatid din ng cast ng Pepito Manaloto ang good vibes sa pangunguna nina Jake Vargas, Arthur Solinap, Mosang, Tony Lopena, at Maureen Larrazabal.
Solid din ang katuwaan at chikahan sa More Tawa, More Saya: A GMA Comedy Show dahil makakasama rin natin sina Tuesday Vargas, Boobay, at Tekla!
Kaya kung hanap n'yo ang quality family bonding ngayong weekend, punta na sa grand event na ito ng mga paborito n'yong Kapuso comedy stars.
See you all there!