What's on TV

Michael V, Manilyn Reynes at Jake Vargas, nagbigay ng love advice ngayong Valentine's Day

By BEA RODRIGUEZ
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 10, 2017 1:55 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Alamin kung masuwerte ang iyong zodiac sign ngayong 'Year of the Fire Horse'
Separate fires hit over 10 structures in Bacolod City
Heart Evangelista teases new project on social media

Article Inside Page


Showbiz News



Ilang araw na lang Valentine's Day na. Makinig sa love advice nina Bitoy, Manilyn at Jake.

Ang buong akala n'yo ay sa pagpapatawa lang magaling ang inyong Pepito Manaloto stars. Ngayong Valentine’s Day, nagpaabot ng iba’t ibang love advice ang mga komedyante para sa iba’t ibang love problems.
 
Lumapit kay Pepito ang taong nahahati sa gitna ng kanyang pamilya at trabaho. Napapadalas daw ang kanyang overtime sa trabaho kaya nagagalit na umano ang kanyang asawa dahil sa kakulangan ng oras para sa kanyang pamilya.
 
Payo ni Kapuso comedian Michael V, “Sa palagay ko, ang pagkukulang [ay] hindi sa mga anak mo eh, kundi sa asawa mo. Ang asawa [ay] parang halaman, dapat dinidiligan kaya dapat magkaroon ka ng oras para kayo ay makapagdilig.”
 
LOOK: Michael V’s touching birthday surprise for wife Carol
 
Sinagot naman ni Mommy Elsa ang 16-year-old na nahahati naman sa pagitan ng kanyang ka-forever at ng kanyang nanay na ayaw pa siyang mag-boyfriend.
 
Bilang isang magulang, ang naging payo ni Kapuso actress Manilyn Reynes ay, “Huwag muna, anak kasi 16 ka lang. When you’re older, mas malalaman mo kung ano ang sinasabi ng puso mo [at] kung ano nga ba talaga ang forever. Makikita mo rin siya pero huwag magmadali.”
 
READ: Manilyn Reynes to Ken Chan: “Anak, you have arrived”
 
Naranasan naman ni Kapuso actor Jake Vargas ang maging isang boyfriend kaya ang naging payo ni Chito para sa taong walang budget para sorpresahin ang kanyang girlfriend sa V-Day ay, “Kahit ang sarili mo na lang or kahit [kaunti] lang na hindi ganun kamahal basta naibigay mo. Importante naman na mabigyan mo siya [ng oras].”
 
Abangan ang Valentine’s special treat ng Team Pepito Manaloto bukas, February 11 tungkol kina Maria at Mario.