GMA Logo Michael V sa grand media conference ng Bubble Gang
What's on TV

Michael V., maraming ipinagpapasalamat sa 24th anniversary ng 'Bubble Gang'

By Aedrianne Acar
Published November 14, 2019 6:34 PM PHT
Updated December 23, 2019 3:27 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Miss World Philippines queens take part in medical mission
Harry Styles to release new single 'Aperture' on January 23
Iloilo City LGU to sue man for chopping down trees in Jaro

Article Inside Page


Showbiz News

Michael V sa grand media conference ng Bubble Gang


Ano ang mga ipinagpapasalamat ni Bitoy kaya tumagal ng 24 years ang 'Bubble Gang?'

Kinuha ng multi-awarded comedian/ content creator na si Michael V. ang pagkakataon na pasalamatan ang lahat na naging susi para maging successful ang Bubble Gang for the past 24 years.

Michael V
Michael V

LOOK: Meet the 'ScAvengers' of 'Bubble Gang'

Sa ginanap na grand media conference ng gag show last November 4, isa-isang pinasalamatan ni Direk Michael ang GMA-7 management, cast, at crew. Hindi rin niya kinalimutan ang kanilang mga loyal Kababol na suporta nila sa show.

Ani Bitoy, "Malaki ang pasasalamat ko sa lahat nang sumusuporta sa Bubble Gang.

"Simula sa management, papunta sa staff and crew, papunta sa mga artista, lalong-lalo na sa audience, 'yung every Friday ay talagang tumatambay sa bahay nila at nanonood.

"Minsan 'yung mga nasa bus na mga nakakapanood din ng live TV. pati 'yung sa mga kani-kanilang mga cellphones na every Friday they make it a point to watch Bubble Gang on their big or small screens. Maraming, maraming salamat.

"Hindi po matatawaran 'yung suportang ipinakita ninyo po sa amin throughout these years."

Sa mga hindi nakakaalam, bukod sa pagiging pioneer ni Bitoy sa Bubble Gang ay tumatayo din siyang creative director ng gag show.

Get ready mga Kababol sa two-part anniversary special ng kinahuhumalingan ninyong gag show for 24 years.

Makitawa with Bubble Gang's 'The ScAvengers this November 15 and 22 for their grand anniversary presentation, pagkatapos ng One of the Baes sa GMA Telebabad.

'Bubble Gang' ladies, may mga pagkakataon bang nagiging 'uncomfortable' sa mga ginagawang eksena sa gag show?

LOOK: 'The ScAvengers' shoot with Yorme Isko Moreno