
Ilang oras na lang at magde-debut na sa part two ng 29th anniversary special ng Bubble Gang ang pinakabagong parody song ng award-winning comedian at content creator na si Michael V.
Base sa ilang teaser na pinost ni Direk Michael online, inspired ang parody song niya na “Hilaw” ng hit OPM song ni Maki na “Dilaw.”
Samantala, may ibinigay na clue naman si Bitoy sa Instagram tungkol sa latest parody single niya.
Sabi niya, “I'm personally inviting all FILIPINO EDUCATORS to watch “HILAW” by Yaki this Sunday sa BBLGANG.
“'Yan na ang clue ninyo kung tungkol saan 'tong parody na 'to.”
Marami rin fans ang “abangers” na sa kulit version ng Bubble Gang pioneer sa hit song ni Maki.
Ngayong taon, dalawang parody single na ni Michael V. ang nag-viral online. Ito ay ang “Padabog” at ang “Salarin, Salarin” na base naman sa kanta ng P-pop queens BINI na “Salamin, Salamin.”
RELATED CONTENT: MICHAEL V'S CLASSIC PARODY SONGS