What's on TV

Michael V, may kutob na magiging viral ang "Gayahin Mo Sila" 

By Aedrianne Acar
Published April 4, 2018 3:36 PM PHT
Updated April 4, 2018 4:46 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Signal No. 2 up over Catanduanes, part of Camarines Sur due to Ada
Check out the scenes from the Miss World Philippines press presentation
Brgy. chairman, nephew killed in Cotabato shooting

Article Inside Page


Showbiz News



Bakit nasabi ng Kapuso comedy genius na si Michael V na kinutuban siyang sisikat ang kanyang parody song? Alamin!

Ready ang Kapuso comedy genius na si Michael V kung sakaling may panibago siyang assignment na gumawa ng parody song para sa longtime program niya na Bubble Gang.

18 things you didn't know about Michael V

Tinanong kasi siya ng GMA-7 media kung may maasahan bang bagong parody song sa darating na summer special ng Kapuso gag show this April 6.

Matatandaan na pumatok online ang “Gayahin Mo Sila” single na inspired ng hit song ng Ex Battalion na “Hayaan Mo Sila.” Sa katunayan may mahigit sa 9.2 million views na ito sa Facebook sa loob lamang ng tatlong linggo.

Aniya, “Nag-aantay lang ako sa Bubble Gang kung ano ‘yung sunod na ibibigay na assignment sa akin. Pag mayroon naman talagang ginagalingan natin.”

Aminado din ang Kapuso comedy genius na hindi pa man nagva-viral ang “Gayahin Mo Sila" ay nakaramdam na siya na may malaki itong potesyal na sumikat.

“Nasa lyrics 'di ba, two days lang sikat na 'to [laughs]. Nandudoon ‘yung potensyal niya to be a big hit, so early on parang may idea na ako kung papaano gagawin mas ganun.”

Dagdag pa niya, “Kasi unang-una ‘yung materyal itself ‘yung pinag-kopyahan alam mong hit na. So proven na, so alam mo nang maraming maku-curious para panoorin. ‘Yung formula for viral video eh nandudoon na lahat.”

EXCLUSIVE: Michael V has no plans of leaving GMA-7, renews his contract