
Mismong sa bibig ng multi-awarded comedian na si Michael V. nanggaling na mas magiging exciting ang mangyayari sa mga karakter nina Chito at Clarissa sa well-loved sitcom na Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento.
Gumaganap bilang mga anak ni Direk Michael sa show sina Jake Vargas (Chito) at Angel Satsumi (Clarissa).
Sa eksklusibong panayam ng GMANetwork.com kay Bitoy, nagbahagi ito ng ilang detalye sa mga story arc ng two main characters sa Pepito Manaloto.
Lahad niya, “Kasama talaga 'yan sa transition, kasi inevitable lumalaki 'yung mga bata, e. Except Jake [Vargas] ha! Si Jake parang hindi lumalaki.
“Si Angel nagdadalaga na nga I think it's only apt na karapat-dapat lang na gawin 'yung mga ganung storylines. Actually, may malaki kaming story arc [kay] Angel 'tsaka dun sa jowa niya [kay Jacob]."
Ang role na Jacob ay ginagampanan ng Sparkle Teen cutie na si John Clifford.
Ano naman kaya ang mangyayari sa paghahanap ni Chito sa kaniyang “The One?”
“Pero with Jake Vargas, 'yung character ni Chito, 'yun ang meron pang puwedeng i-explore. Looking pa e. So, malapit na rin kaming mag-zero in on a certain love team ni Chito. Malapit na namin mahanap 'yung “the one” para sa character niya,” kuwento ni Direk Michael.
Samantala, ang ating bida milyonaryo na si Pepito (Michael V.) kakaba-kaba, dahil may magbabalik na ex from his past!
Paano kaya magre-react ang loving misis niya na si Elsa (Manilyn Reynes) kapag nagkita si Pitoy at si Judy (Sheree Bautista)?
Tutukan ang all-new episode ng Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento ngayong July 1, dahil bibisita si Sheree Bautista sa Sabado Star Power sa gabi.
BALIKAN ANG ILAN SA MEMORABLE THROWBACK PHOTOS NG CAST NG 'PEPITO MANALOTO:'