GMA Logo Michael V fake social media account
Source: michaelbitoy (IG)
What's Hot

Michael V., may warning vs fake account; Mikey Bustos, muntik nang maloko

By Aedrianne Acar
Published July 25, 2025 9:03 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Drug war victims reject Duterte camp bid for info related to case participants
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

Michael V fake social media account


Mag-ingat sa mga naglipanang fake social media accounts na gumagamit ng pangalan ng mga artista!

Muling nagpaalala at nagbabala ang award-winning comedian na si Michael V. tungkol sa isa namang fake account na ginagamit ang kaniyang pangalan na walang pahintulot.

Sa Instagram post ni Direk Michael ngayong July 25, ipinost nito ang screenshot ng pekeng account at sabi niya sa caption.

“BEWARE: FAKE Account/Profile!

“Eto na naman tayo. Hindi ko po account or profile 'to. Scammer 'to. Baka hingan kayo ng information pati sa mga kakilala n'yo. I-block and report n'yo agad.

A post shared by Michael V. 🇵🇭 (@michaelbitoy)

Matatandaan na noong 2021 at 2022, ipinaalam din ni Direk Bitoy na may fake Facebook pages din siya at hininga niya sa publiko na ito ay i-report.

Agad nag-comment sa Instagram page ni Direk Michael ang content creator na si Mikey Bustos na muntik daw maloko ng naturang fake account. Aniya, “I almost got scammed by him! Thank you for saving me!”

Michael V

Source: michaelbitoy (IG)

Meron din official statement na inilabas naman ang award-winning sitcom na Pepito Manaloto, show na pinagbibidahan ni Michael V., tungkol sa isang promo na kumakalat na ginagamit ang pangalan ng show.

Sa statement, binigyan-diin ng sitcom na isang 'scam' ito.

“Wala pong ibang Facebook page ang Pepito Manaloto na namimigay ng premyo.

“Kung may nagme-message o nagpo-post na nanalo ka raw, lalo na kung humihingi ng personal details -- scam po 'yan!”

RELATED CONTENT: BEWARE: Celebrities, nagbabala tungkol sa fake social media pages