
Literally and figuratively na nadale ng multi-awarded comedian na si Michael V. ang 'feels' at 'hugot' ng mga tito sa kanyang parody single na "Feeling."
Inabangan ng viewers at netizens ang latest masterpiece na ito ni Direk Bitoy na inspired ng OPM hit ni Dionela na "Sining."
Kinanta ni Bitoy ang "Feeling" bilang si Tio Nilo sa Bubble Gang noong Linggo, May 18, at naka-collab din niya si Paolo Contis na nag-perform bilang si Jay-Cool.
Bumaha naman ng positive reviews ang social media pages ng Bubble Gang.
Napahirit pa ang isang commenter na "gout este GOAT" talaga ang Kapuso comedian.
Samantala, tawang tawa naman ang marami sa funny lyrics ng "Feeling."
Feeling by Tio Nilo feat. Jay-Cool - A 'Sining' by Dionela parody performed by Michael V. and Paolo Contis, written and directed by Michael V.
Original Song: Sining by Dionela
Artist and Composer: Tim Dionela
RELATED CONTENT: Michael V.'s viral parody songs that you need to listen to