What's Hot

Michael V, naghatid ng mensahe para sa mga botante ngayong Eleksyon 2016

By BEA RODRIGUEZ
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 20, 2020 8:45 AM PHT

Around GMA

Around GMA

PH pushes AI hub proposal to support MSMEs
Marian Rivera launches Vida Essentials line via six-hour live selling session
Riding-in-tandem, binaril ang asong humabol sa kanila sa Ramon, Isabela | One North Central Luzon

Article Inside Page


Showbiz News



#DapatTama!


 

Dear future president, eto po, handa na 'ko! Kayo, handa na ba sa magiging trabaho n'yo? Hindi na 'ko papayag na mabola at maloko 'Pag hindi ako kumbinsido, hindi na lang ako boboto. #DapatTama #Eleksyon2016 ????????

A photo posted by Michael V. ???????? (@michaelbitoy) on


"Dapat Tama!" ang sigaw ni Bitoy sa kanyang advocacy song patungkol sa mga kandidato na dapat nating ihalal sa nalalapit na Eleksyon 2016.

Dahil 55 days na lang bago mag-eleksyon, kinanta niya ito sa Unang Hirit concert stage upang magsilbling paalala, "[Ito ay] tungkol sa tamang pagpili ng inyong mga [kandidato]."



Maliban sa kanyang kanta, gumaganap rin siya bilang sina Governor Gary Palan, Mayor Delly N. Sha at Congressman Mimi Hasa sa mga election advocacy campaign ng GMA News and Public Affairs.

"'Yan 'yung mga tatlong [personas] na talagang [kailangan] kilatisin ng mga botante. Ang hirap kapag hindi mo kilala at saka meron kaming shinoot na ilalabas ngayong linggo. Sila pa rin tapos inilagay sila sa ibang sitwasyon, parang mga isyu ‘yung tatalakayin nila eh, parang pinag-uusapan at ini-interview silang tatlo," saad ng Kapuso comedian na si Michael V.

Pwede rin mapanuod ang "Dapat Tama!" MTV full version dito:



READ: Ruru Madrid at Gabbi Garcia, may eksena sa isang nasusunog na bahay para sa ‘Naku Boss Ko’