
Aminado ang creative director at multi-awarded comedian na si Michael V. na kahit siya ay nagulat sa popularidad ng sketch nila noon na "Boy Pick-Up." Sa sketch, ang karaker ni Boy Pick-up ay na ginampanan ng actor-singer na si Ogie Alcasid.
Patok sa fans ang mga walang kakuwenta-kuwenta, pero nakaka-aliw na pick-up lines ni Boy Pick-Up, katuwang si Boy Back-Up (Eri Neeman).
Nakilala rin sa comedy sketch na ito ng Bubble Gang si Sam Pinto bilang Neneng B.
Sa idinaos na grand media conference ng Kapuso gag show last Friday, big surprise para sa comedy genius na si Michael V. ang success ng "Boy Pick-Up" na noong una ay iniisip lamang niya para sa ilang episodes lamang ng Bubble Gang.
Pagbabalik-tanaw ni Direk Bitoy, “Sinabuhay na nga ni Ogie 'yung karakter na 'yun and si Ogie palagi naming tinutukso 'yan, sinasabi namin 'pag natawa si Ogie masyadong mataas 'yan, baka hindi kagatin ng masa 'yan. But he proved us wrong.”
Dagdag ng Kapuso comedy star, “Partly it's because committed siya dun sa role niya talaga e. And I think naghahanap na ng bagong flavor 'yung mga tao at that time.
“Nung umpisa, parang inisip ko na one shot. Siguro two or three [episodes] okay na. Pero, hindi! Lumaki pa 'yung following nun, nagkaroon pa ng movie. Tapos, nagkaroon pa ng song release,” dagdag niya.
Ipinalabas ang Boy Pick-Up: The Movie noong 2012.
Kilalanin ang creative mind at isa sa pioneer ng Bubble Gang na si Michael V. sa gallery below.